School-Based Immunization sinimulan na ng DepEd
Nag-umpisa na ang School-Based Immunization (COVID-19 Vaccination) sa mga pampublikong paaralan ng elementarya sa Cavite City sa pangunguna ng City Health Office (CHO) ng siyudad.
Sa pagtutulungan ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH), nagsagawa ng School Based Immunization sa Paaralang Elementarya ng Porta Vaga Elementary School para sa mga batang nasa edad 5-11 taong gulang.
Ang nasabing vaccination drive ay nilahukan ng mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6, mga magulang, at mga guro ng nasabing paaralan.
Layunin ng programang School-Based Immunization (COVID-19 Vaccination) na mapalawig pa ang bakunahan para sa proteksyon laban sa COVID-19 ng mga bata. (DDC)