TINGNAN: Bagong LTFRB chair sinubukang sumakay sa EDSA Busway
Sinubukan ng bagong upong chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na si Atty. Cheloy Velicaria-Garafil ang sumakay sa EDSA Busway,
Kasama din ni Garafil ang iba pang mga kasamahan sa ahensya.
Nagtungo sa EDSA Busway Monumento si Garafil 7:00 ng umaga para maobserbahan ang mga pasahero at mga Public Utility Bus (PUB) sa oras ng rush hour.
Pagdating sa PITX ay nagsagawa na rin ng inspeksyon sa nasabing terminal si Garafil.
Sa ngayon, nanatili ang pagpapatupad ng Libreng Sakay sa EDSA Busway sa ilalim ng Service Contracting Program hanggang ika-31 ng Hulyo 2022. (DDC)