Sako-sakong basura nahakot ng MMDA sa Manila Bay Dolomite Beach

Sako-sakong basura nahakot ng MMDA sa Manila Bay Dolomite Beach

Umapela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga bumibisita sa Manila Bay Dolomite Beach na maging responsable sa pagtatapon ng kanilang basura.

Ginawa ng MMDA ang panawagan matapos ang ginawang clean-up drive sa Dolomite Beach kung saan sako-sakong basura ang kanilang nahakot.

Paalala ng MMDA sa publiko, huwag mag-iwan ng anumang uri ng basura sa lugar.

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at MMDA ay regular na nagsasagawa ng paglilinis sa Dolomite Beach.

Magugunitang muling binuksan ng DENR sa publiko ang Manila Bay Dolomite Beach. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *