Mahigit 40,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa South Korea
Sa unang pagkakatoan makalipas ang dalawang buwan ay sumampa sa 40,000 ang kaso ng COVID-19 sa South Korea.
Ayon kay Prime Minister Han Duck-soo posibleng umakyat sa 200,000 ang maitatalang kaso sa pagitan ng Agosto at Setyembre ngayong taon.
Araw ng Martes umabot sa 40,266 ang naitalang kaso.
Ito na ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso simula noong May 1 kung saan nakapagtala ng 43,908 cases. (DDC)