LPA, Habagat magpapaulan sa maraming lugar sa Luzon
Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa lalawigan ng Cagayan.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 185 kilometers Northeast ng Aparri, o sa layong 150 kilometers East ng Calayan.
Ayon sa PAGASA, maliit ang tsansang maging bagyo ang LPA sa susunod na 48-oras.
Ang nasabing LPA at ang Habagat ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Pampanga, Bataan, Cavite, Occidental Mindoro, at Palawan.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, Bulacan, Nueva Ecija, at Batangas. (DDC)