Lungsod sa China na mayroong mahigit 300,000 na populasyon isasailalim sa lockdown dahil sa isang kaso ng COVID-19
Sasailalim sa tatlong araw na “closed control” ang Wugang City sa Henan Province, China matapos makapagtala ng isang kaso ng COVID-19.
Apektado ng lockdown ang nasa 320,000 na populasyon ng lungsod.
Ayon sa abiso ng local authorities, mayroon pang hanggang sa tanghali ng Huwebes ang mga residente para bumili ng kanilang pangangailangan.
Habang umiiral ang lockdown ay susuplayan sila ng kanilang pangunahing pangangailangan.
Ang Wugang ay steelmaking hub ng China. (DDC)