Mahigit 6,000 litro ng diesel na nakumpiska ng Customs, ibinigay sa PCG
Nakatangggap ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mahigit 6,300 na litro ng diesel na maaari nitong magamit sa pang araw-araw na operasyon.
Ayon sa PCG, ang 6,375.8 liters ng diesel ay nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa pagsalakay sa isang gasoline station sa Pampanga bilang bahagi ng random field and confirmatory testing ng ahensya noong Sept. 2021.
Sa halip na masayang, ay ibinigay ito ng Customs sa PCG sa isinagawang turnover ceremony sa Clark Freeport Zone.
Sa isinagawang seremonya, lumagda ang BOC at PCG sa deed of donation and acceptance na nagsasaad na ang diesel ay ibinibigay ng Customs sa PCG upang makatulong dito sa kanilang araw-araw na operasyon. (DDC)