79 pang kaso ng COVID-19 Omicron subvariants naitala sa bansa

79 pang kaso ng COVID-19 Omicron subvariants naitala sa bansa

Nakapagtala pa ng dagdag na 79 na kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Omicron subvariants.

Sa datos mula sa Department of Health (DOH) nakapagtala ng dagdag na 60 pang BA.5 cases.

Sa nasabing bilang, 56 ang mula sa Region 6, habang tig-isang kaso ang naitala sa Region 11 at Region 12.

Isa sa mga pasyente ang nakitaan ng mild na sintomas habang inaalam pa kung ano ang kondisyong naranasan ng 59 na iba pa.

43 naman sa kanila ang naka-recover na, 14 pa ang naka-isolate pa, habang inaalam ang kalagayan ng 3 pa.

Samantala, nakapagtala din ng 17 pang bagong kaso ng BA.2.12.1, kung saan 6 ang mula sa Region 6, 10 ang mula sa Region 11 at 1 ang returning overseas Filipino.

Dalawa sa kanila ang nakitaan ng mild na sintomas, 1 ang mayroong severe symptoms, 1 ang asymptomatic at inaalam naman ang kondisyon ng 13 pa.

15 naman sa kanila ang gumaling na habang 2 pa ang naka-isolate.

May naitala ding 2 bagong kaso ng BA.4 na mula sa Region 11 at Region 12.

Kapwa sila nakitaan ng mild na sintomas at pareho nang gumaling. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *