5 days in-person classes sa lahat ng paaralan kailangang maipatupad pagsapit ng Nov. 2, 2022 ayon sa DepEd
Sinabi ng Department of Education (DepEd) na pagsapit ng Nov. 2, 2022 ay kailangang nakapag-transition na sa 5 days in-person classes ang lahat ng public at private schools sa bansa.
Nakasaad ito sa Implementing Guidelines ng DepEd para sa School Calendar and Activities para sa School Year 2022-2023.
Ayon sa DepEd, ang mga pampublikong paaralan na nakapagsasagawa na ng 5 days in-person classes ay magpapatuloy sa ganitong sistema sa pagbubukas ng klase sa August 22.
Para naman sa iba pang paaralan na hindi pa kayang makapagsagawa ng full face-to-face classes ay bibigyan sila ng sapat na panahon para transition period.
Ayon sa guidelines ng DepEd, maaaring magpatupad ng blended learning modality na kapapalooban ng 3 days in-person classes at 3 days distance learning.
Kasama din sa opsyon ang full distance learning.
Pero ayon sa DepEd, maaari lang itong gawin hanggang sa Oct. 31, 2022 at pagsapit ng Nov. 2, 2022 ay dapat maipatupad na ang limang araw na in-person classes.
Pagsapit ng nasabing petsa sinabi ng DepEd na wala nag papayagang magpatupad ng full distance learning o blended learning. (DDC)