Growth rate ng COVID-19 sa NCR bahagyang bumagal ayon sa OCTA Research

Growth rate ng COVID-19 sa NCR bahagyang bumagal ayon sa OCTA Research

Bumagal ang growth rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, maaaring ang COVID-19 wave sa NCR ay nasa “peak” na o maaaring nalagpasan na ang “peak”.

Mula kasi sa 57 percent na growth rate noong July 4 ay bumaba ito sa 32 percent noong July 11.

Sa susunod na linggo inaasahang mas magiging malinaw ang trend ng kaso sa Metro Manila.

As of July 11 sinabi ng OCTA Research na nasa 170 ang average daily cases ng COVID-19 sa NCR.

Katumbas ito ng 4.93 percent na average daily attack rate. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *