DepEd pinaiimbestigahan sa NBI ang umano ay insidente ng pang-aabuso sa Philippine High School for the Arts

DepEd pinaiimbestigahan sa NBI ang umano ay insidente ng pang-aabuso sa Philippine High School for the Arts

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa National Bureau of Investigation (NBI) para maimbestigahan ang alegasyon ng emotional, verbal at sexual abuse sa Philippine High School for the Arts sa Los BaƱos, Laguna.

Sa pahayag ng DepEd, hiniling na ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio sa NBI na magsumite ng komprehensibong report kaugnay sa usapin.

Sa isang liham na natanggap ng NBI noong Hulyo 11, 2022, hiniling ni Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon Sara Z. Duterte na magsumite ang NBI ng komprehensibong ulat sa naturang isyu sa lalong madaling panahon.

Humingi rin ng tulong ang Kagawaran sa Child Protection Unit (CPU) at Child Rights in Education Desk (CREDe) nito para magkasa ng imbestigasyon kaugnay sa Child Protection Policy ng ahensya.

Ayon sa DepEd, hindi pinapayagan ng ahensiya ang anumang uri ng pang-aabuso.

Dahil dito, sa ilalim ng pamumuno ni Duterte ay patuloy na isusulong ng DepEd ang malusog at ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral at guro. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *