Disaster rescue units, relief goods ipinahahanda ng pamahalaang bayan ng Montalban

Disaster rescue units, relief goods ipinahahanda ng pamahalaang bayan ng Montalban

Uumpisahan na ng pamahalaang bayan ng Montalban ang paghahanda sa posibleng pagbaha na maaring maidulot ng mga mararanasang pag-ulan sa susunod na mga buwan.

Ayon kay Montalban, Rizal Mayor Ronnie Evangelista, kailangan nang masimulan ang disaster preparedness sa munisipyo at maging sa barangay level.

Kabilang sa ihahanda ang disaster rescue units at mga relief goods mula sa Municipal Social Welfare and Development (MSWD).

Una nang sinabi ng PAGASA na maaring may mga bago pang pumasok sa bansa bago matapos ang taon.

May mga lugar sa bayan ng Montalban na nakararanas ng matinding pagbaha kapag tuluy-tuloy ang malakas na buhos ng ulan.

Huling nakaranas ng matinding pagbaha sa Montalban ay noong bagyong Ulysses kung saan marami sa mga residente ang kinailangang i-rescue. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *