Malakihang bawas sa presyo ng produktong petrolyo ipatutupad ng mga kumpanya ng langis
Magpapatupad ng malakihang bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Sa abiso ng mga kumpanya, may bawas na P5.70 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Mababawasan din ng P6.10 ang presyo ng kada litro ng diesel.
Habang ang presyo ng kerosene ay may bawas na P6.30.
Ipatutupad ang bawas presyo bukas araw ng Martes, July 12. (DDC)