Libu-libo nagmartsa sa Romania para idepensa ang LGBTQ rights
Libu-libong katao ang lumahok sa pagmamartsa sa capital ng Romania para isulong ang patas na karapatan sa mga miyembro ng LGBTQ.
Naging makulay ang lansangan sa isinagawang martsa, kung saan tinututulan ng mga lumahok ang planong pagpapasa ng batas na layong i-ban ang pagtalakay sa homosexuality at gender transition sa mga paaralan.
Noong 2001, na-decriminalize sa Romania ang homosexuality pero ang mga same-sex couples ay hindi pa rin pinapayagang magpakasal o pumasok sa civil partnerships.
Ayon sa mga organizer ng martsa, umabot sa 15,000 ang lumahok sa Bucharest Pride.