Habagat nag-iwan ng P14.6M na halaga ng pinsala sa mga pananim sa Ifugao
Nakapagtala ng P14.6 million na halaga ng pinsala sa agrikultura bunspd ng naranasang pagbaha dahil sa habagat sa Ifugao.
Sa inilabas na datos ng Department of Agriculture, umabot sa 198 na ektarya ng pananim na bigas at high value crops ang naapektuhan.
Umabot sa 684 na mga magsasaka ang naapektuhan.
Ayon sa DA, maglalaan ng tulong ang ahensya sa mga naapektuhang magsasaka.
Pagkakalooban sila ng rice, corn at assorted vegetable seeds; drugs at biologics para sa livestock at poultry; at Survival and Recovery (SURE) Program sa ilalim ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
Naglaan na din ang DA ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong taniman.