Divorce Act at Marital Infidelity Act kabilang sa mga panukalang batas na inihain ni Sen. Raffy Tulfo
Mayroon ng sampung panukalang batas na naihain sa Senado si Senator Raffy Tulfo.
Kasama sa kaniyang 10 priority bills ang Divorce Act of 2022 na layong mabigyan ng makabagong karapatan ang mag-asawang Pilipino.
Inihain din ni Tulfo ang Marital Infidelity Act na layong mapatawan ng pantay na parusa ang mga “may asawang nangangabit at kanilang kabit”.
Sinabi ni Tulfo na ang parusa ay dapat ipataw kahit pa sa abroad ginawa ang pagtataksil.
Ang iba pang panukalang batas na inihain ni Tulfo ay ang mga sumusunod:
– Wage Theft Law
– Act Extending the Prescriptive Period of Labor Money Claims
– Poor Job Applicants Discount Act
– Anti-Domestic Violence Act of 2022
– Judicial Modernization Act of 2022
– Act Redefining Illegal Recruitment Committed by a Syndicate
– Magna Carta of Filipino Seafarers
– Act Removing the Public Offering Requirement of Generation Companies (DDC)