P21.6B na refund sa Meralco customers magre-reflect na sa bill ngayong buwan
Inatasan ng energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Co (Meralco) na simulan nang ipatupad ang refund sa kanilang mga customer simula ngayong buwan.
May kabuuang P21.8 billion na kailangang ibalik ang Meralco sa kanilang customers na katumbas ng halagang 87 centavos per kilowatt-hour.
Ayon kay ERC chair Agnes Devanadera, inaprubahan ang refund noong June 16 at kailangan na itong maipatupad ng Meralco sa July bill.
Base sa utos ng ERC, kung ang isang household ay kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, makatatanggap ito ng P174 na refund sa July bill at sa susunod pang 11 buwan. (DDC)