Ireland, Malta at France nagbabala sa kanilang mamamayan sa pagkain ng Lucky Me products gaya ng pancit canton at instant noodles

Ireland, Malta at France nagbabala sa kanilang mamamayan sa pagkain ng Lucky Me products gaya ng pancit canton at instant noodles

Naglabas ng babala ang Ireland, Malta at France sa kanilang mga mamamayan hinggil sa pagbili at pagkain ng produkto ng Filipino instant noodles brand na ‘Lucky Me’.

Sa abiso ng gobyerno ng tatlong bansa sinabing mataas ang antas ng ethylene oxide.

Ang Ethylene oxide ay isang uri ng kemikal na karaniwang ginagamit sa paggawa ng pesticides at disinfectant.

Ayon sa abiso, ang variants ng instant pancit canton noodles na nagtataglay ng Ethylene Oxide ay ang mga sumusunod:

Pancit Canton Original
Pancit Canton Hot Chili
Instant noodle soup beef flavor
Pancit Canton Kalamansi
Pancit Canton Chilimansi (DDC/Ricky Brozas)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *