Panukalang batas para suspendihin ang excise tax sa gasolina at diesel muling inihain sa senado
Muling inihain ni Senator Grace Poe ang panukalang batas na naglalayong otomatikong masuspinde ang excise tax sa gasolina at diesel kapag lumagpas sa $80 ang average price ng Dubai crude oil.
Sa nasabing panukala ni Poe, layong maamyendahan ang Section 148 ng National Internal Revenue Code.
Ayon sa senador, sa pamamagitan ng panukalang batas, mababawasan ang presyo ng gasolina at diesel ng P10 kada litro at P6 kada litro.
Sinabi ni Poe na bunsod ng pagtaas presyo ng produktong petrolyo ay tumataas din ang pamasahe gayundin ang presyo ng mga bilihin at serbisyo. (DDC)