Pangulong Marcos nagpatawag ng pulong sa mga opisyal ng DOE

Pangulong Marcos nagpatawag ng pulong sa mga opisyal ng DOE

Pinulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE).

Tinalakay sa nasabing pulong ang usapin hinggil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Wala pang hinihirang na bagong kalihim ng DOE si Marcos.

Pero ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nasa final evaluation stage na si Marcos para sa pagkumpleto ng miyembro ng kaniyang gabinete.

Ayon kay Marcos, sa nararanasang krisis sa buong mundo dahil sa pagtaas ng presyo ng langis ay malaki ang magiging papel ng DOE. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *