Positivity rate sa NCR umakyat na sa 9.8 percent
Tumataas pa rin ang positivity rate sa ilang mga lugar sa bansa kabilang na ang Metro Manila.
Ayon sa OCTA Research, ang positivity rate sa NCR ay tumaas mula sa 8.3% noong July 2 patungo sa 9.8% noong July 5.
Ang positivity rates sa Laguna ay umakyat na sa 17.3%, sa Rizal ay 16.5% at sa Pampanga ay nasa 15%.
Sa datos ng OCTA, 13.2% na ang positivity rate sa Cavite, habang 10.7% sa Batangas.
Mataas din ang positivity rate na naitala sa Antique na nasa 20.6%.
Ilan pang mga lalawigan na may pagtaas sa positivity rate ay ang Bataan, Benguet, Cebu, Davao Del Sur, Iloilo, Isabela at Pangasinan. (DDC)