Eksperto sa enerhiya kabilang sa pinagpipilian bilang DOE secretary

Eksperto sa enerhiya kabilang sa pinagpipilian bilang DOE secretary

Kabilang sa ikinukunsidera bilang kalihim ng Department of Energy (DOE) ang isa sa mga orihinal na nagsulong ng Bangui Bay Wind Power Farm sa Ilocos Norte.

Ang pagpasok ni Engr. Cerael Donggay, isang eksperto sa enerhiya, sa listahan ng mga pwedeng maging DOE secretary ay nakikita bilang may pinakamalakas na tugon sa krisis sa enerhiya na kinakaharap ng bansa.

Ang Pilipinas ay nahaharap ngayon sa matinding krisis sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina na nagdudulot ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Maliban dito ang Pilipinas ay sa isa mga bansa na may makararanas ng pinakamabigat na epekto ng climate change kung kaya’t ang isang lider sa enerhiya na may sapat na kaalaman sa malinis at renewable na enerhiya ang kailangan sa DOE.

Ang bansa ay nangangailangan ng isang tao na nakakaintindi na kaagad maipatupad ang paglipat mula sa tinatawag na “carbon intensive fossil fuel” papunta sa malinis, mura at mabisang renewable energy.

At ang nag-iisa sa mga taong nagdeklara ng pagnanais na maluklok sa DOE na makakasagot sa mga ito ay si Engineer Cerael Donggay na mahusay na electrical at mechanical engineer.

Nakuha niya ang ikatlong puwesto sa 1978 board exam para sa mga electrical engineer at isa siya sa mga orihinal na nagtatag ng Northwind Power Development Corporation na nagtayo ng kilalaang Bangui Bay wind farm sa Ilocos Norte.

Ininderso ng Cagayan de Oro Chamber of Commerce and Industry Foundation Inc. (Oro Chamber) si Donggay bilang kalihim ng DOE sa isang resolution na may petsang June 1, 2022.

Inilarawan ng Oro Chamber si Donggay bilang isang “energy innovator” at maimpluwensiya at lider sa business community.

Si Donggay ay ininderso din ng College of Engineering ng University of the Visayas bilang DOE secretary.

“His passion and commitment to clean energy development will surely align and bring the President’s for the country’s energy sector into fulfilling energy security, power reliability, affordability, and sustainability,” ayon kay Engr. Richard Saing, Msc, Ph.D, Dean ng Graduate at Undergraduate Program sa Engineering, Technology at Architecture ng University of the Visayas sa Cebu City.

Si Donggay ay dating bise presidente ng National Power Corporation mula 1993-1996; at founding incorporator ng Northwind Power Corporation sa Ilocos Norte.

Siya ngayon ay pangulo at CEO ng Greenergy Development Corporation na nagmamay-ari sa Greenergy Solar.

Sa pamamagitan ng Greenergy Solar, na naggagawa ng mga Rooftop Solar Photovoltaic (PV) system sa mga bahay at gusali, tumaas ng halos apat na beses ang solar energy production sa kauna-unahan at minsang naging pinakamalaking on-grid solar farm sa Southeast Asia–ang 1-megawatt solar PV power plant sa Cepalco sa Cagayan de Oro City.

Si Donggay ay orihinal na nagsulong ng 300-megawatt Pulangi 5 hydro electric project sa Bukidnon at North Cotabato, at ang 150-mw Bulanog-Batang hydro project sa Cagayan de Oro at Bukidnon.

Siya ay isa sa mga pinakamalakas na sumusuporta sa upang labanan ang pagbawi ng paggamit ng Mindanao ng renewable energy.

Bagamat ang Mindanao ay umaasa sa renewable energy sa halos limang dekada, ito ay lumipat sa paggamit ng “dirty fuel” sa nakaraang 10 taon katulad ng 50 percent mula coal at 20 percent mula diesel.

Sinusuportahan ni Donggay ang plano ng Mindanao Development Authority (MinDA) na magkaroon ang Mindanao ng hating paggamit ng enerhiya na 50:50 renewable patungong “fossil energy mix” pagdating ng taong 2030.

Suportado din ni Donggay ang energy transition patungo sa 35 percent renewable energy dependence sa buong bansa pagdating ng 2030 tungo sa 55 percent sa 2040.

Ito ay batay sa 75 percent Nationally Determined Contribution sa carbon emission sa ilalim ng Paris Climate Deal by 2040 ng gobyerno ng Pilipinas.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *