Unemployment rate noong Mayo tumaas ayon sa PSA

Unemployment rate noong Mayo tumaas ayon sa PSA

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong buwan ng Mayo.

Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang bilang ng unemployed Filipinos noong Mayo ay nasa 2.93 million.

Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, kumakatawan ito sa 6 percent na unemployment rate na mas mataas kumpara sa 5.7 percent noong Abril.

Noong Abril nakapagtala ng 2.76 million na Pinoy na walang trabaho.

Kung ikukumpara naman sa datos noong nakaraang taon ay bumaba ang bilang ng mga unemployed sa bansa.

Noong May 2021 kasi ay mayroong 3.74 million na Pinoy na walang trabaho. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *