PACC, PCOO inabolish ni Pangulong Marcos
Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-abolish sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Sa kaniyang Executive Order No. 1, layon ng pag-abolish sa PACC ang makamit simplicity, economy, at efficiency sa bureaucracy.
Kailangan aniyang magpatuad ng streamlining sa mga official process at procedures sa pamamagitan ng pag-reorganisa sa Office of the President.
Nakasaad sa EO na ang kapangyarihan at tungkulin ng PACC ay inililipat na sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.
Samantala sa Excutive Order No. 2 ni Marcos, inabolish din nito ang PCOO.
Ang PCOO ay papangalanan nang Office of the Press Secretary at pamumunuan ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Pinapayagan ang OPS na magtalaga ng assistant secretary na mayroong hindi lalagpas sa 20 personnel.
Magkakaroon din ito ng walong undersecretaries.
Kabilang sa tungkulin ng OPS ang pag-acredit sa media at pangangasiwaan nito ang Digital, Print at Broadcast Media Services. (DDC)