Panukalang batas para muling bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN inihain sa Kamara
Ilang mambabatas na miyembro ng Makabayan Bloc ang naghain ng panukalang batas sa Kamara na layong mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.
Inihain nina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Danniel Manuel ang House Bill No. 1218.
Sa ilalim ng panukala, layong mabigyan ng 25-taon na broadcasting franchise ang ABS-CBP Corp.
Panawagan ng tatlong mambabatas sa kanilang mga kasamahan sa Kamara, manindigan kontra tyranny at isulong ang kalayaan at demokrasya,
Magugunitang noong May 2020 ay ipinag-utos ng National telecommuncations Commission (NTC) ang pagtigil ng operasyon ng free TV at radyo ng network. (DDC)