Panawagan ng Sin Tax Coalition kay PBBM, “magpakita ng political will at i-veto ang Vape Bill”

Panawagan ng Sin Tax Coalition kay PBBM, “magpakita ng political will at i-veto ang Vape Bill”

Umapela ang grupong Sin Tax Coalition kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na i-veto ang Vape Bill.

Ayon sa grupo, dapat magpakita ng political will si Marcos at i-veto ang nasabing panukala.

Sinabi ng koalisyon na sa July 24 ay nakatakdang mag-lapse into law ang Vape Bill maliban na lamang kung ive-veto ito ni Marcos.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang edad na mabibigyan ng access sa mga vape products ay ibinababa mula sa 21 patungong 18.

Sinabi ng grupo na banta sa kalusugan ng mamamayan ang naturang panukalang batas.

Dagdag pa ng grupo, kung talagang may malasakit si Marcos sa mga kabataan at sa kinabukasan ng bansa, ay dapat nitong i-veto ang Vape Bill. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *