Listeria outbreak sa US iniuugnay sa ice cream na gawa ng isang kumpanya sa Florida

Listeria outbreak sa US iniuugnay sa ice cream na gawa ng isang kumpanya sa Florida

Posibleng ang pagkain ng ice cream ang dahilan ng pagkakaroon ng oubreak ng listeria sa ilang bahagi ng US ayon sa US centers for Disease Control and Prevention.

Isa na ang nasawi sa outbreak ng listeria sa 10 estado sa US habang 22 ang naospital.

Ayon sa US-CDC, sa panayam sa 17 nagkasakit, 14 sa kanila ang kumain ng ice cream na gawa ng Big Olaf Creamery na naka-base sa Florida.

Ayon sa CDC, boluntaryo nang nakipag-ugnayan ang kumpanya sa kanilang retail locations para irekomendang ihinto muna ang pagbebenta ng produkto.

Tiniyak din ng kumpanya ang pakikipagtulungan sa imbestigasyon.

Ang listeria ay bacteria na nagdudulot ng severe illness kapag kumalat sa iba pang bahagi ng katawan.

Delikado ito para sa mga buntis, sanggol at mga edad 65 pataas.

Kabilang sa sintomas nito ay ang diarrhea, lagnat, pananakit ng ulo, stiff neck, loss of balance, muscle aches at kombulsyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *