Green Revolution susi sa pagkakaroon ng food security
Nanawagan ng “Green Revolution” ang tinaguriang Magsasakang Reporter na si Mer Layson.
Isa sa mga guest at resource speaker si Layson si ginaganap na Bagong Balita Media Forum sa Quezon City.
Maliban kay Layson ay panauhin din sa forum sina Dapertment of Agriculture (DA) Undersecretary Ariel Cayanan at BFAR Director Eduardo Gongona.
Habang ang batikang TV at Radio personality na si Gani Oro ang siyang moderator at host ng Forum.
Sa nasabing forum ay ibinahagi ni Layson ang kanyang kaalaman at adbokasiya tungkol sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Naniniwala si Layson na ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain ay dapat na magsimula sa sariling mga tahanan.
Aniya, “food security starts at home”.
Kaugnay nito ay nanawagan si Layson sa publiko na magsagawa ng “green revolution” o magtanim ang bawat isa ng sariling pagkain na isa sa mga proyekto noon ng dating First Lady Imelda Romualdez Marcos na ina ng ating Pangulong Ferdinand Bong-Bong Marcos Jr.
Matagal ng isinusulong at adbokasiya ni Layson ang Urban Gardening na kahit sa mga bote ng softdrinks at mineral water ay maaaring magtanim ng sariling pagkain.
Ani Layson, dapat din buhayin ng kasalukuyang administration ang programang “Masaganang 99” ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na ama ni PBBM.
Si Layson ay isang Magsasaka, Reporter ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa (PSN/PM) Kolumista, TV host ng Masaganang Buhay sa OnePH ng TV-5, Vlogger at negosyante. (DDC)