Mga tanggapan ng Chinese smartphone maker na Vivo sinalakay ng mga otoridad sa India
Sinalakay ng mga otoridad sa India ang mga tanggapan ng Chinese smartphone maker na Vivo dahil sa hinalang pagkakasangkot sa money laundering.
Noong nakaraang taon, nagsagawa ng kaparehong pagsalakay ang Indian authorities sa mga opisina ng Xiaomi at Huawei.
Sa isinagawang pagsalakay sa mga opisina ng Vivo, kinumpiska ng mga tauhan ng Financial Crime-Fighting Agency ng India ang mga pag-aari ng kumpanya.
sa pahayag sinabi ng tagapagsalita ng Vivo na makikipagtulungan sila sa mga otoridad at handang ibigay ang mga kailangang impormasyon.
Una nang nagpatupad ang India ng ban sa mga mobile applications na galing ng China kabilang ang TikTok.
Ayon sa gobyerno ng India layunin ng ban na proteksyunan ang soberanya ng bansa. (DDC)