70 bagong kaso ng Omicron sub-variants naitala ng DOH
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 70 pang bagong kaso ng sub-variants ng mas nakahahawang Omicron variant ng COVID-19.
Sa pinakahuling sequencing na isinagawa ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) sa 211 samples na isinailalim sa sequencing
43 ang naitalang BA.5 cases, 20 ang BA.2.12.1 cases, at 7 ang BA.4 cases.
Sa isinagawang sequencing, 190 cases ang nagpositibo sa Omicron Variant of Concern at sub-variants nio.
Sa 190 Omicron VOC cases na na-detect, 185 ay pawang local cases at 5 ang Returning Overseas Filipino (ROF).
Sa kabuuan ayon sa DOH, umabot na sa 7,919 ang confirmed Omicron cases sa bansa.
Sa kabila ng naitatalang kaso ng Omicon at sub-variants nito sinabi ng DOH na nananatiling nasa low risk ang hospital bed utilization sa buong bansa. (DDC)