NTC muling iniutos ang pagpapaigting ng kampanya laban sa “job text scams”

NTC muling iniutos ang pagpapaigting ng kampanya laban sa “job text scams”

Muling inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga regional directors nito at ang mga telcos na paigtingin ang hakbang laban sa fake job text scams.

Sa inilabas na memorandum ni NTC commissioner Gamaliel Cordoba, inatasan ang mga regional directors at officers-in-charge na palakasin ang kampanya sa kani-kanilang nasasakupan kaugnay sa public information upang bigyang kaalaman ang publiko tungkol sa text scams.

Sinabi ni Cordoba na patuloy ang pagpapadala ng fake job text at kahalintulad na scams.

Muli ring nanawagan ang NTC sa DITO Telecommunity, Globe Telecoms at Smart Communications na magsagawa ng text blast sa kanilang subscribers mula ngayong araw July 5 hanggang July 11, 2022.

Partikular na iniutos ng NTC, na ipadala ang mensaheng ito sa mga subscribers “BABALA HUWAG PONG MANIWALA SA TEXT NA NAG-AALOK NG TRABAHO NA MAY PANGAKO NA MALAKING SWELDO. ITO PO AY ISANG SCAM.”

Inatasan din ang telcos na i-block ang SIM cards na ginagamit sa mga fraudulent activities at palakasin din ang public information campaign para bigyang kaalaman ang publiko laban sa mga scam.

Paalala naman ng NTC sa publiko at mga phone users na huwag ibibigay ang ang kanilang personal information at iwasang magsagot ng survey questions na mula sa mga hindi kilalang senders. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *