Mga batang edad 12 hanggang 17 maari nang tumanggap ng booster dose ng COVID-19 vaccine
Maari nang bigyan ng booster dose ng COVID-19 vaccine ang mga batang edad 12 hanggang 17.
Ayon sa Department of Health (DOH), Pfizer vaccine ang ibibigay na booster dahil ito binigyan ng emergency use authorization ng Food and Drug Administration (FDA) para sa nasabing age group.
Nakasaad sa guidelines ng DOH na kung ang batang edad 12 hanggang 17 ay immunocompromised, siya ay maari nang mabigyan ng booster dose 28 araw matapos ang kaniyang second dose.
Para naman sa mga batang 12 hanggang 17 na hindi kabilang sa listahan ng mga immunocompromised, sila ay maaring mabigyan ng booster dose, 5-buwan makalipas ang kanilang second dose. (DDC)