Konstruksyon ng kauna-unahang Integrated Terminal and Science Center Building sa bansa sinimulan na

Konstruksyon ng kauna-unahang Integrated Terminal and Science Center Building sa bansa sinimulan na

Inumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng kauna-unahang “Integrated Terminal and Science Center Building” sa bansa.

Ang Taguig City Science Terminal and Exhibit Center ay itatayo sa compound ng Department of Science and Technology (DOST) sa Bicutan, Taguig.

Target na matapos ang konstruksyon ng gusali sa kalagitnaan ng taong 2023.

Sa orihinal na plano, layon ng pagtatayo ng pasilidad na matugunan ang “traffic congestion” o pagsisikip ng trapiko at mga suliranin ng mga pasahero sa lugar.

Makalipas ang limang taon ng conceptualization at mga pulong, idinagdag sa plano ang pagkakaroon ng exhibit center.

Ang gusali ay magkakaroon ng limang palapag, may sukat na 13,680 square meters, at may alokasyong aabot sa P326 million.

Ang unang tatlong palapag ay magsisilbing public transportation hub, habang ang dalawa pang palapag o 4th at 5th floors ay mga opisina at ang Science and Technology Exhibit Center.

Layon din ng science terminal na mahikayat ang mga pasahero lalo na ang mga estudyante na sumabak sa edukasyon at career sa larangan ng siyensya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *