National Museum of the Philippines Complex bukas na muli sa publiko
Bukas na muli sa publiko ang National Museum of the Philippines Complex sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa abiso ng National Musem of the Philippines, simula ngayong araw, July 5 ay bukas na muli ito sa publiko mula 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon.
Pansamantala itong isinara para sa mga bisita dahil sa isinagawang paghahanda at aktibidad kaugnay sa katatapos na inagurasyon ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Mananantiling libre ang admission sa National Museum at hindi kailangan ng reservation,
Paalala ng pamunuan ng National Museum, sumunod sa guidelines kabilang ang health protocols sa COVID-19.
Ang mga bibisita ay kailangang fully vaccinated, habang ang mga batang hindi pa bakunado ay dapat may kasamang fully vaccinated adult. (DDC)