6.1 percent inflation rate naitala noong Hunyo
Bumilis ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo noong nagdaang buwan ng Hunyo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 6.1 percent inflation rate noong nakaraang buwan, mas mataas kumpara sa 5.4 percent noong Mayo.
Ito na ang pinakamataas na inflation na naitala sa nakalipas na mahigit tatlong taon, o mula noong October 2018 kung saan naitala agn 6.9 percent inflation rate.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, maaring magpatuloy pa ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa mga susunod na buwan.
Nakapagtala ng mabilis na pagtaas sa presyo ng pagkain, non-alcoholic beverages, non food items gaya ng housing, tubig, kuryente, gas, at iba pang fuels. (DDC)