Pagtutok sa war on drugs ng pamahalaan tuluy-tuloy ayon kay DILG Sec. Abalos
Ipagpapatuloy ng Department of the Interior Local Government ang pagtutok sa war on drugs ng pamahalaan.
Sa kaniyang unang araw bilang kalihi ng DILG, sinabi ni Sec. Benhur Abalos na tuluy-tuloy ang war on drugs ng pamahalaan.
Sinabi ni Abalos na partikular na tututukan ang pagpapalakas ng kaso laban sa mga suspek sa ilegal na droga para masigurong hindi mababasura lang ang mga isinasampang kaso.
Ani Abalos, karamihan kasi sa mga kaso ay nababasura dahil walang tumetestigo sa kaso.
Ani Abalos, sa mga ikinakasang operasyon laban sa ilegal na droga, dapat ay mayroong hindi bababa sa tatlong testigo kabilang ang kinatawan ng media, DOH at opisyal ng barangay.
Pinapurihan ni Abalos ang naging acomplishment ng DILG sa ilalim ng pamumuno ni dating DILG Sec. Eduardo Año. (DDC)