Kaso ng dengue sa bansa dapat nang ikabahala ayon sa PMA
Nakaaalarma na ang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa ayon sa Philippine Medical Association.
Sa pinakahuling datos umabot na sa 45,416 ang kaso ng dengue na naitala sa bansa mula Jan. 1 hanggang June 11.
45 percent itong mas mataas kumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.
Sa Laging Handa briefing sinabi ni PMA president Benito Atienza na walang pinipiling edad ang dengue at kahit sino ay maaring matamaan nito.
Maliban sa dengue, sinabi ni Atienza na dapat ding maging maingat ang publiko sa iba pang water-borne diseases gaya ng influenza at leptospirosis. (DDC)