Positivity rate sa NCR tumaas sa 8.3 percent

Positivity rate sa NCR tumaas sa 8.3 percent

Tumataas pa rin ang positivity rate sa ilang mga rehiyon sa bansa.

Ayon sa OCTA Research, ang positivity rate sa NCR ay tumaas mula sa 6% noong June 25 patungo sa 8.3% noong July 2.

Ang positivity rates sa Laguna at Cavite ay kapwa lumagpas na sa 10%.

Sa datos ng OCTA, 11.7% na ang positivity rate sa Cavite, habang 10.3% sa Laguna.

Bahagya namang bumaba ang positivity rate sa Rizal mula sa 11.9% patungo sa 11.3%.

Ilan pang mga lalawigan na may pagtaas sa positivity rate ay ang Bataan, Batangas, Benguet, Bulacan, Cebu, Davao Del Sur, Iloilo, Pampanga, at Pangasinan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *