Zubiri, Villanueva dismayado sa pag-veto ni Marcos sa Bulacan Airport City Special Ecozone

Zubiri, Villanueva dismayado sa pag-veto ni Marcos sa Bulacan Airport City Special Ecozone

Dismayado sina Senators Juan Miguel Zubiri at Joel Villanuevasa pag-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa panukalang batas na lilikha sa Bulacan Airport City Special Ecozone.

Ayon sa dalawang senador, makalilikha ng libu-libong trabahoang Bulacan Airport City.

Sinabi ni Zubiri na layunin ng Bulacan Airport City Special Ecozone na maliban sa pagkakaroon ng largest airports sa Region 3 ay magsilbi din itong manufacturing job at makalikha ng libu-libong mga trabaho.

Bagaman prerogative aniya ng pangulo ang pag-veto sa panukalang batas, sinabi ni Zubiri na “unfortunate” ang nasabinghakbang.

Ganito rin ang pahayag ni Villanueva.

Sinabi ni Villanueva na inirerespeto nila ang pasya niMarcos sa pag-veto sa panukala.

Pero dismayado ang senador dahil makatutulong sana ito para mabigyan ng trabaho hindi lamang ang mga taga-Bulacan kundi maging mga taga-karatig na lalawigan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *