Phivolcs nakapagtala ng pagtaas ng aktibidad ng Mt. Kanlaon
May pagtaas sa aktibidad ng Bulkang Kanlaon simula noong June 30, 2022.
Ayon sa Phivolcs, nakapagtala ng 41volcanic earthquakes sa Mt. Kanlaon simula June 30 na maaring may kaugnayan sa volcanic gas movement.
Mayroon ding short-term na inflation sa lower at mid slopes ng bulkan.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Mt. Kanlaon na ang ibig sabihin ay mayroon itong low-level unrest.
Paalala ng Phivolcs bawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone ng bulkan. (DDC)