Biden inimbitahan si Marcos sa Washington
Inimbitahan ni US President Joe Biden si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumisita sa Washington.
Ayon kay Philippine Ambassador to US Manuel Romualdez, wala pa namang itinaktang petsa ng pagbisita.
Sinabi ni Romualdez na natanggap na ni Marcos ang imbitasyon na personal na ibinigay sa kaniya ni Second Gentleman Douglas Emhoff.
Si Emhoff ay dumalo sa inagurasyon ni Marcos noong June 30. (DDC)