Panukalang batas na magbibiagy ng P10,000 sa bawat pamilyang Pinoy ihahain ni Sen. Alan Peter Cayetano

Panukalang batas na magbibiagy ng P10,000 sa bawat pamilyang Pinoy ihahain ni Sen. Alan Peter Cayetano

Maghahain ng panukalang batas si Senator Alan Peter Cayetano na magbibigay ng P10,000 sa bawat pamilyang Filipino.

Sa oath-taking ceremony ng mga lokal na opisyal sa Taguig, sinabi ni Cayetano na kailangan ng suporta ng dalawang kapulungan ng kongreso at ng Malakanyang ang nasabing ayuda.

Aminado si Cayetano na naba-bash siya ng dahil sa nasabing pangakong ayuda, pero aniya kailangan nitong legislative proposal.

Noong February 2021, inihain ni Cayetano ang panukala sa Kamara para makapamahagi ng P10,000 ayuda sa bawat pamilyang Pinoy o kaya P1,500 kada miyembro ng pamilya.

Layunin nitong matulungan ang mga pamilya na makapagsimula ng maliit na negosyo lalo na ang mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

Gayunman, bigo aniya itong makapasa sa Kamara bilang bahagi ng Bayanihan 3 COVID-19 aid package. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *