Diplomat na si Enrique Manalo itinalaga ni Pangulong Marcos bilang DFA secretary

Diplomat na si Enrique Manalo itinalaga ni Pangulong Marcos bilang DFA secretary

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang diplomat na si Enrique Manalo bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Agad nanumpa sa puwesto si Manalo sa Malakanyang, Biyernes (July 1) ng umaga.

Ang 69-anyos na si Manalo ay naging acting foreign affairs secretary na noong March 9 hanggang March 17, 2017 makaraang hindi makumpirma ng Commission on Appointments si dating DFA secretary Perfecto Yasay.

Nanilbihan din siya bilang Philippine Permanent Representative to the United Nations sa New York sa ilalim ng Duterte administration. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *