TINGNAN: Marcos, Duterte-Carpio dumalo sa misa na idinaos sa Malacañang compound
Dumalo sa misa ngayong Biyerne (July 1) ng umaga sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio.
Ang misa ay pinangunahan ni Cardinal Jose Advincula kasama si Cardinal Orlando Quevedo bilang concelebrant sa National Shrine of St. Michael the Archangels sa loob ng Malacañang compound.
Sa kaniyang unang araw sa puwesto kahapon, nakipagkita si Marcos sa ilang foreign dignitaries na dumalo sa kaniyang inagurasyon.
Kabilang dito sina Douglas Craig Emhoff, Second Gentleman ng United States of America (USA), Vice President Wang Qishan ng China, Governor General David Hurley ng Commonwealth of Australia at Deputy Prime Minister Don Pramudwinai ng Thailand. (DDC)