Positivity rate sa NCR at mga kalapit na lalawigan sa Luzon patuloy sa pagtaas

Positivity rate sa NCR at mga kalapit na lalawigan sa Luzon patuloy sa pagtaas

Muling tumaas ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) at sa mga kalapit na lalawigan sa Luzon.

Sa datos mula sa OCTA Research, mula sa 6.0% noong June 25 ay tumaas sa 7.5% ang positivity rate sa NCR.

Kahapon, June 30 nakapagtala ng 1,309 na kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 672 ang naitala sa NCR.

Samantala, malaki naman ang itinaas ng positivity rate sa Cavite mula sa 5.9% noong June 25 ay umakyat sa 13.2%.

Tumaas din ang positivity rate sa Batangas, Bulacan, Laguna, Pampanga, Benguet, Cebu, Iloilo. at Davao Del Sur.

Habang sa Rizal, ay bumaba ang positivity ate mula sa 11.9% patungong 9.7%. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *