LPA sa Northern Luzon isa nang ganap na bagyo, pinangalanang Domeng ng PAGASA

LPA sa Northern Luzon isa nang ganap na bagyo, pinangalanang Domeng ng PAGASA

Naging isang ganap na bagyo na ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa extreme Northern Luzon.

Ang LPA na huling namataan sa layong 940 kilometers East ng Extreme Northern Luzon ay pinangalanang Domeng ng PAGASA at naging pang-apat na bagyo sa bansa ngayong taon.

Taglay ng bagyong Domeng ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong northwest.

Samantala apektado naman ng Southwest Monsoon ang western section ng Central at Southern Luzon.

Samantala ang dating bagyong Caloy na ngayon si si Tropical Storm Chamba ay huling namataan sa 475 kilometers west ng Iba, Zambales. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *