236 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

236 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng dagdag na 236 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Linggo – September 26, sumampa na sa 47,383 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,823 ang active cases at 45,055 naman ang gumaling.

485 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw, makaraang makapagtala ng tatlo pang nasawi.

Ang 236 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:

Leyte (102)
Southern Leyte (33)
Biliran (29)
Ormoc City (20)
Northern Samar (19)
Tacloban City (18)
Samar (10)
Eastern Samar (5)

Pawang nasa “high” ang average daily attack rate sa Leyte, Southern Leyte at Biliran.

Habang nasa “medium” naman ang ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City, Samar at Northern Samar. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *