DOH wala pang OIC kasunod ng pormal na pagbaba sa puwesto ni Duque

DOH wala pang OIC kasunod ng pormal na pagbaba sa puwesto ni Duque

Walang office-in-charge sa Department of Health (DOH) kasabay ng pormal na pagtatapos ng panunungkulan ni Health Sec. Francisco Duque III.

Kabilang ang DOH sa mga kagawaran na wala pang hinihirang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging pinuno.

Sa pahayag sinabi ng DOH na maghihintay na lamang ito ng direktiba mula sa Office of Executive Secretary.

“The DOH awaits further advice and instructions from the Office of the Executive Secretary as to the OIC/Head of Agency upon transition into the new administration,” ayon sa pahayag ng DOH.

Dalawang pangalan ang unang lumutang na posibleng italaga ni Marcos sa puwesto.

Inendorso ng Private Hospitals Association of the Philippines si COVID-19 task force adviser Dr. Ted Herbosa para maging DOH secretary.

Habang nabanggit din ang pangalan ni Dr. Edsel Salvana, na miyembro ng DOH Technical Advisory Group. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *