Citizen Duterte babalik agad ng Davao City
Babalik agad ng Davao City si dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Huwebes, June 30.
Bago magtapos ang kanyang termino ay binigyan ng departure honors si Duterte sa Kalayaan Grounds sa Malakanyang.
Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, lulan ng commercial flight ay agad bibiyahe patungong Davao City si Duterte.
Bagaman dinaluhan ni Duterte ang turnover ceremony sa Malakanyang ay hindi na ito dumalo sa inagurasyon sa National Museum. (DDC)