Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nakapanumpa na bilang ika-17 presidente ng bansa

Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nakapanumpa na bilang ika-17 presidente ng bansa

Pormal nang nakapanumpa sa puwesto bilang ika-17 presidente ng bansa si Pangulong Ferdinand “Bongong” Marcos Jr.

Ang idinaos na seremonya sa National Museum ay inumpisahan sa pag-awit ng Lupang Hinirang ng TV Host na si Toni Gonzaga.

Sinundan ito ng Ecumenical Prayer na pinangunahan ng mga lider mula sa iba’t ibang relihiyon.

Pagkatapos ng panalangin ay nagdaos ng military and civic parade bilang pagpaparangal sa bagong pangulo ng bansa.

Sinimulan ito ng paglipad ng FA-50 PH ng Philippine Air Force at sinundan ng parada ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Philippine Coast Guard.

Sinundan ito ng parada ng mga medical at healthcare workers, overseas Filipino workers, mga atletang Pinoy, mga manggagawang Pilipino, transport sector na kinabibilangan ng mga tsuper, piloto, flight attendants, at seafarers, mga magsasaka at mangingisda, street management services sector na kinabibilangan ng mga traffic enforcers.

Matapos ito ay binasa ni outgoing Senate President Tito Sotto ang joint Senate and House Resolution na nagpoproklama sa pagkakapanalo ni Marcos.

Sinundan na ito ng pormal na panunumpa sa puwesto ni Marcos kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.

Dumalo sa seremonya ang pamilya ni Marcos kabilang ang kaniyang asawa, tatlong anak, ang kaniyang ina at mga kapatid.

Marami ding VIPs ang dumalo sa inagurasyon kabilang ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang mga bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *